Emosyonal ang 98-anyos na Lola matapos ipagawa ng mga Pulis ang kanyang sira-sirang bahay

Ipinagawa ng mga pulis ang bahay ni Lola Celerina Ibus Villa, nakatira sa Brgy. Labut, Sitio Pacencia, Ilocos Norte. Si Lola Celerina ay may dalawang anak na katuwang sa ikinabubuhay nila- ang pagsasaka. Hirap ng makakita si Lola Celerina dahil may edad na rin ito.Nakatulong ang facebook post ng pulis dahilan ng paglikom ng pondo upang maipagawa ang bahay ni Lola Celerina. Emosyonal naman si Lola Celerina dahil sa mabuting ginawa ng mga pulis sa kanya.

Naparangalan naman si PLt Jane Michael Algo ng 101st Maneuver Company at nakatanggap ng medalya matapos maipagawa ang bahay ni Lola Celerina na inumpisahan noong July 12, 2019 hanggang September 5, 2019.

Maraming pulis man ang nabibigong gawin ang kanilang mga tungkulin ay mas marami pa rin naman ang mga pulis na ginagawa ng maayos ang tungkulin sa bayan, mabubuting puso at may malasakit sa kapwa. Saludo ang mga netizens sa ginawa ng mga pulis para makatulong sa paggawa ng bahay ni Lola Celerina.
No comments