Batang Nagpupumilit Umakyat sa Balcony, Pinipigilan ng Isang Pusa


Maraming tao ang mahilig sa mga hayop kagaya ng aso at pusa. Nagbibigay ng saya at napaglilibangan din ang mga aso at pusa. Ngunit, alam ba ninyo na ang isang pusa ay maaaring maging guwardya ng inyong mga anak? Viral ang video ng isang pusa na tila binabantayan at pinipigilan niya ang isang maliit na bata mula sa balcony ng kanilang condominium.



Minsan, hindi napapansin ang mga ginagawa ng mga hayop ngunit maaaliw at matutuwa ka kapag iyong nakita ang mga ginagawa ng mga ito lalo na kung pambihira para sa isang hayop na maisip na gawin ito.

Makikita sa video ang tila pagpigil ng matalinong pusa sa bata, pinapaalis at tinatanggal ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa railings ng balcony.



Nakakamangha at nakakatuwang isipin na ang mga alagang hayop ay maaaring maging kaibigan, nagbibigay ng aliw, pamilya at kung minsan, kaya din nilang mag ligtas ng buhay. Laging tatandaan na ang hayop ay inaalagaan at hindi sinasaktan. Iturin silang tao dahil may buhay din sila.

No comments