Batang Hinahanap ng Kanyang Ina, Nakitang Natutulog Matapos Mapagod sa Paglalakad


Malaking bångungot para sa isang ina ang mawala sa tabi niya ang anak habang namimili sa Mall. Nakakatakot mangyari sa mga ina ang ganitong pangyayari.

Nangyari ito kay Judah Abonitalla habang siya ay nagsho-shopping sa isang home supply store sa Cagayan de Oro. Ayon kay Judah, nagwi-window shopping sila kasama ang kanyang mga anak habang naghihintay ng sundo nang mapansin nito na nawawala na ang kanyang 3-taong gulang na anak na si Zacc.



Kalmado niyang hinanap ang si Zacc sa bawat sulok ng tindahan bagamat nakaramdam ito ng matinding kaba. Sa kanyang paghahanap kay Zavcc, natagpuan ni Judah ang anak nito na nakahubad ang suot na sapatos at mahimbing na natutulog sa ibabaw ng ilang gift wrappers. Ayon pa kay Judah, napagod daw ang si Zacc sa kanilang lakad noong araw na iyon.

Napagod man ang ina sa paghagilap kay Zacc ay naaliw naman at kinagiliwan ng mga netizens ang post na ito. Mayroon pang nag-comment na 'Tulog is Life' daw ito si Zacc. At hindi tulad ng ibang mga bata na malilikot dahil si Zacc daw ay tila naghanap ng komportableng puweto para magpahinga at matulog.

Bagamat nakakatuwa man ito para sa iba, magsilbi pa rin na aral ito hindi lang para sa mga ina, kundi para sa mga nakakatanda na huwag hahayaan na mawala sa paningin ang mga bata lalo na kung ito ay musmos pa lamang.

2 comments:

  1. Nangyari din eto saken namimili kami sabi ko sa 2 anak ko tignan saglit un bunso at my tignan ako sa kbila naminiki kmi nun ng gamit pag tingin segubdo lang wla n un bunso ko ayun pala naikot may hawai n laruan kinabahan ako hanap ako ng hanap sumisigaw halos 20 to 3 0 mins din nakita nin nmin ng pangalawang anak ko kz my nkpag sabi my bata dun sinukatan p daw nila ng dmit kz kalaki daw ng anak nila ayun ng makita nmin kinarga ko maya maya nakatulog ...grabee un kaba simula jun pag aalis my tali n siya n pang baby ����

    ReplyDelete
  2. Mother kung hnd nman po importante hwag n kayo lalabas kz nakakaawa ang bata idinadamay nyo p s kapabayaan nyo..konting ingat po s mga anak hwag m kayo bata nlang

    ReplyDelete