Dalawang Rider na may Mabuting Kalooban, Nag-sauli ng Napulot nilang Pera na Nagkakahalaga ng P64,000



Dalawang rider na may mabuting kalooban ang nagsauli ng ng perang nagkakahalagang P64,000.00 noong Pebrero 22, 2021 sa Brgy. Dayangdang, Naga City. Habang nilalakbay nila ang kahabaan ng Misericordia St. Dayandang ay may napansin ang dalawang rider na kakaiba. Nakita nila ang libo-libong pera na natagpuan nila sa tapat ng karinderya ni Lovely Rafa. Ang dalawang rider na ito ay sina Gerry Cardinas at Lawrence Isaac.



Hindi nag-atubiling ibinigay ng dalawang rider na ito ang nakuha nilang pera. Nang bilangin ito ay nalaman nilang naghahalaga ito nang P64,000.00.



Ayon kay PCpI Robert P. Lerma ng Naga City, nakita at napanood niya mula sa CCTV footage ang pangyayari kung paano nawala sa may-ari ang pera. Nahulog daw ng may-ari ang mga pera nito mula sa kanyang bag habang papasakay ng sasakyan.

Ibinalik naman ni PMAJ Van A. Layosa sa may-ari ang napulot na pera noong Pebrero 23, 2021 sa ganap na 3:05 ng hapon. Kinilalang ang may ari ng pera ay si Ma. Lourdes Romero.



Nakakatuwa ang dalawang rider na ito dahil hindi nila ninais na kunin ang mga pera bagamat ibinigay nila ang kanilang napulot sa Pulisya. Saludo at paghanga naman sa kanila ang mga netizens.

No comments