23-Anyos na Lalaki, Pinakasalan ang 38-Anyos na Ginang Kapalit ang Bahay at Lupa, $100K, Ferrari at mga Alahas


Ang tunay na pagmamahalan ay hindi nasusukat sa materyal na bagay o kayaman. Makikita sa dalawang taong na masaya ang pagsasamahan kung sila ay totoong nagmamahalahan.

Naging usap-usapan ang balita sa isang TV News sa China. Ito ay matapos na pakasalan ng 23-anyos na lalaki ang isang ginang na 38-anyos.


Ayon sa balita, Enero 9 noong sila ay kinasal sa Quionghai, Hainan Province sa China. Pinatunay ng lalaki na tunay ang kanyang pagmamahal sa ginang na may 14-taong gulang na anak.

Ayon sa lalaki, pinangako niyang aalagaan niyang mabuti at mamahalin ang kanyang asawa kahit na ito ay matanda na.

Dahil sa malayo ang agwat ng kanilang edad at may anak pa ang ginang, hindi pumayag ang magulang ng lalaki at tumutol sa kanilang pagmamahalan.

Ngunit hindi naman pumayag ang ginang kaya naman tinapatan niya ng kanyang yaman ang mga magulang ng lalaki upang pumayag na magpakasal sila dalawa.


Inalok ang mga maulang ng lalaki ng malaking bahay at lupa, kotse o sports car na pinapangarap nila at ito ay Ferrari. Mayroon pang $100,000 kaya naman kinalaunan ay pumayag din ang mga magulang ng lalaki.

Makikita sa mga larawan na suot-suot ng ginang ang kanyang mga alahas at nakasakay ang bagong kasal sa Ferrari.

May mga netizens na nagsasabing kaya lamang pinakasalan ng lalaki ang ginang ay dahil sa yaman nito. Ang ilan namang netizens ay pinagtatanggol at sinusuportahan ang pagmamahalan ng dalawa.

No comments