Watch | Lola na Mag-Isang Naninirahan sa Gitna ng Kabundukan, Tinulungan ng Isang Vlogger!

 


Ang inaakala natin na kabundukan ay mga mga puno, iba't-ibang halaman at mga hayop. Ngunit, sa gitna ng kabundukan na ito ay isang matanda ang naninirahan kasama ang kanyang mga aso.

Isang vlogger ang nagbahagi ng video sa Social Media, ito ay si Val Santos Matubang. Nilakbay niya ang sobrang layong lugar makita lamang ang kalagayan ng isang matandang babae na kasalukuyang naninirahan sa sira-sirang barong-barong.


Ipinakita ni Val sa video ang itsura ng tahanan ng matandang babae na si Nanay Nenita. Tila ilang abgyo na ang nakakaraan sa kanyang bahay at makikitang wasak-wasak na ito.

Sa tuwing umuulan daw ay hindi maiiwasang mabasa siya dahil sa malalakas na buhos ng ulan. Naghahanap na lang umano si Nanay Nenita ng payong na magsisilbing sangga niya sa pagbuhos ng ulan.

Ayon kay Nanay Nenita, wala siyang sariling anak kaya naman nag-ampon na lamang sila ng kanyang asawa ngunit ang mga naging anak-anakan niya ay wala na din sa piling niya at nasa malayong lugar na.


Makikita sa mukha ni Nanay Nenita ang kaligayan dahil kahit na ganito ang sitwasyon niya ay nakukuha pa din niyang tumawa at magpatawa.

Sa ngayon ay umabot na ng 151k reactions ang video na ito. Marami naman ang humanga kay Val dahil sa kabutihan nito. Binigyan niya ng isang sakong bigas si Nanay Nenita at kaunting pera dahil wala din mabibilhan si Nanay Nenita dahil nasa gitna siya ng kabundukan at malayo sa mga tindahan.

Dagdag pa ni Val, babalik siya upang bigyan ng trapal si Nanay Nenita upang hindi na siya mabasa kung uulan man ng malakas.

No comments