Ama, Naglalakad sa Kahabaan ng Commonwealth dala ang Resume upang Maghanap ng Trabaho para sa Kanyang Pamilya


Isa sa pinaka-mahirap na hinaharap ngayon ng mga tao ay ang kawalan ng trabaho. Dahil sa pandemya, maraming nag-sarado at nawalan ng hanap-buhay. Marami ang natanggal sa trabaho dahil nagbabawas ng tauhan dahil sa pagkalugi ng kompanya. Mapa-mahirap o mayaman, walang pinipili ang pandemya dahil lahat ng tao ay apektado nito.



Isa na rin sa naapektohan ngayong pandemya ay si Ronel Cimafranca, 35-taong gulang. Nilalakad si Ronel ang kahabaan ng Commonwealth Avenue habang dala-dala ang kanyang resume. Sa hirap ng buhay ngayon ay nagbabakasakali si Ronel na makahanap ng mapapasukan sa mga Contruction sites na nadadaanan.



Dahil dito, ang pamilya ni Ronel ay napaalis sa inuupahan nilang apartment kaya naman ang asawa at dalawang anak nito ay nakikituloy na lang muna sa kanyang biyenan. Sa gitna ng pandemya, dapat tayong magtulong-tulong lalo na sa mga kapos at walang-wala talaga.

No comments