Dalawang Pulis, Nag-abot ng Tulong sa Matandang Lalaki na Naninirahan sa Kalye!


Layunin ng mga kapulisan na masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Ngunit, lingid sa kaalaman ng iba na ang mga pulis ay kahit na matigas ang kanilang puso sa mga masasama ang loob, mala pusong mamon naman sila sa mga matatanda at mga kapos sa buhay.



Mula sa facebook page ng Tambayan ng Pulis, may isang hindi pinakilala ang nagbahagi ng larawan ng dalawang pulis na nagbigay ng pag kain sa isang matanda.

Ayon sa nagbahagi ng larawan, pauwi na umano siya galing sa kanyang trabaho ng madaanan niya nag eksena ng dalawang pulis at matandang lalaki. Akala niya ay sisitahin ang matandang lalaki ngunit nagulat siya ng makita niyang may inabot na pagkain sa kanya.




Nakilala ang dalawang kapulisan na sina Patrolman Castillo at Patrolman Dela Rosa ng Legal Service na nakadestino sa Santa Cruz, Laguna.

Nakakataba ng puso na makakita ng ganito lalo ngayon sa panahon ng pandemya. Marami pa din sa ating kapulisan na busilak ang kalooban kahit na ang ilang tao'y tingin sa kanila ay matititigas at walang sinasanto.


No comments