Dating OFW sa Saudi Arabia, Itinakwil ng mga Kamag-anak Dahil Wala ng Binibigay na Pera


Ang mga OFW o Overseas Workers ay tinatawag na mga "Bayaning Buhay" dahil sa walang kapantay ang sakrispisyo nilang ginagawa para sa kanilang pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay. Lungkot, mag-isa at homesick ang pinipilit na tiisin ng mga OFW upang maging malakas sa paghahanap buhay sa ibang bansa. Sa kabila ng sakripisyo nila, dapat suklian sila ng kabutihan.

Ngunit, kamakailan lamang ay nag-viral sa Social Media ang isang OFW noon na naging palaboy nang makauwi sa bansa dahil itinakwil ng kanyang mga kamag-anak dahil wala na umano itong binibigay na pera.



Mula sa post ng isang concerned netizen na si Aileen Mariquit Sombise, dati umanong OFW si Kuya Ramon at 21 taon na naghanap buhay sa Saudi Arabia. Ngayon ay isa na lamang siyang palaboy at walang maayos na tulugan at walang makain sa araw-araw.

Nabanggit din nito na 61-anyos na si Kuya Ramon kaya naman wala na siyang kakayahang magtrabaho dahil mahina na ang kanyang pangangatawan at may iniinda na rin itong karamdaman sa paa kaya naman napagpasyahan niya ng umuwi na ng bansa. Maganda umano ang trabaho ni Kuya Ramon sa Saudi at malaki ang kanyang kinikita kaya naman panay ang padala niya sa kanyang mga kapatid sa pilipinas at pinag-aral pa daw niya ang isa nitong pamangkin.



Ngunit sa kabila ng kanyang mga ginawa para sa kanyang kamag-anak, sinuklian lamang siya ng paghihirap. Naging palaboy na lamang sa kalye at nag-iisa.

No comments