Grade 5 Student, Pinuri dahil sa Kanyang Pagpuna Patungkol sa 'Gender Bias' mula sa Isang Learning Module



Isang litrato ang nag-viral matapos ibahagi sa Social Media ang larawan ng sulat para sa DepEd ng isang Grade 5 student. Umani ng papuri sa netizens ang Grade 5 student na ito matapos niyang punahin ang 'Gender Bias' mula sa isang Learning Module na sinasagutan niya.


Nag-aaral ang Grade 5 student na ito sa Polomok Central Elementary School, kinilalang si Miguel Lapid ang gumawa ng sulat para sa DepEd.

Ang larawan ng sulat ni Miguel ay inupload ng kanyang ama na si Michael Jess Lapid sa Social Media. Makikita ang aktibidad ni Miguel sa pagsagot ng kanyang module dahil napuna pa niya ang kakaibahan ng lalaki at babae.

Base sa answer key, sinasabing ang tamang paglalarawan sa lalaki ay malaks, matapang, astig, at malakas samantala ang sa babae ay iyakin, mahinhin, at paiba-iba ng modo. Ito ang bagay na hindi naman sinag-ayunan ni Migiel.


Mababasa sa sulat ni Miguel na maaaring makapanakit ng iba ang 'stereo typing' at 'bias' ng sagot. Ayon kay Michael ay kahit na 11-anyos pa lamang ang anak, alam na ni Miguel ang mga isyu tungkol sa kasarian dahil tinuturo ito ng magulang at guro.

“Nakita ko na stuck siya sa part na ‘yon ng module. Nalilito siya kung paano niya sasagutan kasi sabi niya may mali sa module, pointing out na may gender bias daw,” sabi ni Michael.

“Iniwan namin siya to work on his module and later on, pinakita niya na ‘yong letter niya,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Michael ay hindi ito ang una na may napuna ang anak niya sa learning module. Hindi pa naman nagbibigay ang DepEd ng komento sa bata at sa paaralan.

No comments