Dalawang Tsismosa, Hinuli ng mga Awtoridad Dahil sa Paninirang Puri


Kadalasan, ang mga naririnig na kwento ay tinutukoy ang buhay ng ibang tao. Mahilig ka bang makinig o magkwento sa ibang tao na ang tinutukoy ay ang buhay ng ibang tao? Alam mo na bang may nilalabag kang karapatan-pangtao kung ikaw naninira ng buhay ng iba?

Dalawang babae ang arestado matapos umano nagpakalat ng tsismis. Kinilala ang dalawang tsismosa na sina Mary Grace Catapan, 21-anyos at si Jhallyn Gequillo Varga, 35-anyos na residente ng Brgy. Sudlonon at Brgy. Gairan, Bogo sa Cebu City.


Agarang dinakip ng awtoridad ang dalawa matapos maghain ng reklamo si Aileen, hindi nya tunay na pangalan, dahil umano siniraan at pinagtsismisan ito ng dalawa. Mula 2017 hanggang 2018 ay sinisiraan na itong si Aileen ng dalawa sa pamamagitan ng isang group chat.

Ayon kay Aileen, "Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba."



Kwento pa ni Aileen, nalaman niyang ang ginawang group chat ng dalawang tsismosa ay nasa 10 ang miyembro. Nadiskubre din nitong nagbanta ang mga ito na isisilid si Aileen sa septic tank, sinasabihan din siya sa group chat na may problema sa utak. Inakusahan pa si Aileen na magnanakåw. Bukod pa rito ay pinagkatuwaan ng mga miyembro sa group chat na i-edit ang kanyang mga larawan.

Ayon kay Judge Ramon Daomilas Jr., maaaring kasuhån ang dalawa ng Ciber Libel. Maaari din itong pagbayarin ng multa o makul0ng ng 6 na buwan hanggang 2 taon. Pinayagan ng korte na magbayad na lamang ng multa ang dalawa, P36,000 ang kabuuang bilang ng kanilang piyansa.

No comments