Lola, Pangatlong Beses nang Nabiktama at Binayaran ng Pekeng Pera!




Sa hirap ng buhay lalo ngayon na may kinahaharap na problema ang ating bansa, lahat ng tao ay iniisip kung paano makakaraos sa pang araw-araw. Mahigit isang taon na ismula nang mag-lockdown sa ating bansa.

Ang ilang establisyamento gaya ng mga negosyo ay nagsarado na din dahil sa pagkalugi, ang mga taong dati ay namamasukan ngayon ay bakante at sa bahay na lamang namamalagi. Para makaraos, kailangan kumayod at gumawa ng paraan para mabuhay.






Gaya ni Lola Luisa "Liza" Fineza, 76-anyos mula sa Cainta, Rizal. Para makaraos sa pang araw-araw ay nagtitinda siya ng mga bibingka at iba pa. Ngunit, noong Marso 15 ay may bumili umano sa kanya na isang babae, binayaran siya ng pekeng P500. Bumili ng P80 na bibingka at sinuklian pa ni Lola Liza ng P420.


Dahil dito, malaki ang panlulumo niya. “Dun sa mga gustong manloko sa mga tindera na hindi kalakihan ang puhunan, 'wag naman nilang uulitin-ulit 'yung ginawa nila sa akin... Nagpapakahirap po ako maski ako ay may edad na nagsusumikap pa rin ako maghanap-buhay,” ani ni Lola Liza sa mga kawatan.




Narito naman ang orihinal na post ng uploader na si Mylyn Tupas:

"shout out!!!! sa kung sino kamang babae ka na nang lok0 dito kay nanay liza, multuhin ka sana ng konsensya mo, ang kapal ng mukha mo, hindi ka na naawa sa matanda binayaran mo ng pekeng 500 halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera, Dios na lang bahala sa'yo makita mo sana 'tong mukha ng matanda sa wall mo, tingnan mo kung gaano sya kalungkot, sa mga nang l0ko noon kay nanay liza tanda niyo naman siguro ang mukha ng niloko niyo pangatlong beses na siyang binayaran ng peke minsan magka angkas daw sa motor hayy buhay kung sino pa mahirap sya pa niloloko maawa naman kayo, maliit lang tubo niya dyan tinangay nio pa, Dios na bahala sainyo"

No comments