Ina at Dalawang Anak Nito, Nakita ng Isang Concerned Netizen na Natutulog at Hindi pa Kumakain sa Gilid ng Kalsada
Isang concerned netizen naman ang nakakita sa gilid ng kalsada ng mag-iina na natutulog. Nilapitan niya iyon at binigyan ng pagkain. Nang tanungin ni Ber Monz na nag-upload ng larawan ang ina ng dalawang bata kung kumain na ba sila ay ang sagot nito ay hindi pa.

Humingi naman ng tulong si Ber Monz sa mga netizens sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga larawan at video kung saan makikita ang kalagayan ng mag-iina. Marami naman ang nalungkot at naawa sa kalagayan nila.

No comments