76-Anyos na Lola, Sumisisid sa Ilalim ng Dagat upang Mamulot ng mga Barya


Isang 76-anyos na lola ang sumisisid sa dagat para mamulot ng barya. Nagmumula ang mga baryang kanyang pinupulot sa mga pasahero sa Dalahican Ferry Terminal sa Luceno, Quezon City.

Ang lola na ito ay si Lola Maria, patuloy pa din na sumisisid si Lola Maria upang makaraos sa pang araw-araw kahit na ito ay mapanganib para sa kanyang edad. Karamihan umano sa mga turista ay naghuhulog ng mga barya sa dagat upang makakita ng mga natives na sumisisid dito. Natutuwa ang mga turista na masilayan ang mga natives na sumisisid sa dagat kahit na mapanganib ito.



Umaabot ng 100 hanggang 200 barya ang nakukuha ni Lola Maria sa pagsisid sa dagat. Aminado naman si Lola maria na matanda na siya para sa ganitong uri ng hanap-buhay lalo na at malabo na ang kanyang paningin ngunit wala naman siyang magawa dahil sa kanyang kinikita lamang umaasa ang kanyang pamilya.



Noon ay kasama ni Lola Maria ang kanyang asawa sa pagsisid sa dagat ngunit dahil hindi na nito kayang sumisisid ay naiiwan na lamang siya sa bahay at mag-isang sumisisid si Lola Maria dala-dala umano ang kanyang maliit at butas-butas na bangka.

Nang mag-viral ang video na ito ay dumagsa naman ang mga nag-abot ng tulong kay Lola Maria dahil maraming naantig sa kanyang kwento, ang iba naman ay naawa sa kanyang kalagayan.

No comments