Isang Babae ang Kumanta para Makatulong sa Lalaking may Kapansanan na Tumutugtog sa Lansangan!
Likas na ng mga Pinoy ang tumulong sa kanilang kababayan lalo na sa mga panahon ng sakuna, bukas palad din ang mga pinoy sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan talaga.
Gaya na lamang ng isang babae na may talento sa pagkanta na tumulong sa isang tumutugtog na bulag sa lansangan. Ginamit niya ang kanyang talento sa pagtulong sa kanyang kapwa.
Nag-viral sa Social Media ang video na kuha ni Ruel Quinones noong Marso 21 ng gabi. Mula sa Divisoria, Cagayan de Oro, sa tapat ng Mercury Drug Store ay may isang babae na nagngangalang Regine Carpio ang kumakanta kasabay na may tumutugtog sa gilig niya ng isang lalaki na may kapansanan.
Ayon sa uploader, karapat-dapat na maibahagi ang talento ni Regine sa iba kaya naisipan niyang kuhanan ito ng video. Nang matapos ang kanta ay tinanong ni Ruel kung kaanu-ano niya si Manong.
"Wala ra Sir. Gusto ko lang nako siya tabangan." sagot ni Regine.
Hindi niya umano kaanu-ano si Manong at naisip lamang niya na tulungan ito. Dahil dito, naantig ang puso ni Ruel kaya naman napadukot siya ng P100 at inilagay sa kahon ni Manong.
Marami din ang nakapanood ng pagkanta ni Regine at pagtugtog ni Manong dahil nagandahan sila sa boses nito kaya naman humihingi pa sila ng isa pang kanta kaya naman kumanta at tumugtog muli sila. Napadukot na naman ng pera si Ruel at inilagay ulit ito sa kahon.
Mula naman sa isang komento ni Adlin remirez sa video na ibinahagi ni Ruel sinabi nito na aktibong miyembro si Regine sa music ministry ng Acdo Oasis of Love Community at isa rin siyang pinagkakatiwalaang miyembro ng Alto's in Singers for Christ Choir sa Metropolitan Cathedral.
Dahil din sa ginawa ni Regine, marami ang napahanga sa kanya hindi lamang sa talento nito kundi pati sa kabutihan ng kanyang kalooban.

No comments