
Marami sa atin ang tumataas ang kilay tuwing nakakakita ng namamalimos ngunit malakas pa ang pangangatawan. Kadalasan, hindi natin alam ang dahilan ng mga taong namamalimos, dahil ba sa may kapansanan, dahil ba sa kinalakihan na nila, dahil wala silang trabaho o dahil sa iniwan sila ng kamag-anak at tila niligaw na lang sila.
Mula sa isang concerned netizen ang nagpost ng kalagayan ngayon ng isang lalaki na natagpuan niya noong Pebrero 26. Habang dumadaan siya sa kahabaan ng overpass sa C-5 patawid ng Mackenly Hills ay nakita niya ang lalaking nasa larawan. Iniwan at umuwi na umano ng Leyte ang kanyang Uncle. Humihingi ng tulong ang lalaking ito upang siya ay makauwi na sa Southern Leyte kung saan siya nakatira.

Nakaka-lungkot lang na malaman ang nangyari sa kanya. Mapapaisip na lamang kung bakit siya iniwan at pinabayaan na lamang ng mismong sarili niyang kamag-anak sa napaka layong lugar mula sa tinitirahan niyang lugar noon. Makikita sa larawan na wala manlang siyang dala na kahit na anong gamit, isang karton lamang ang kanyang inuupuan at nakaupo sa isang sulok at naghihintay at nagbabasakali na may maawa at may tumulong.

Sana maging ligtas siya at malayo sa kapahamakan. Magbigay sana ang Maykapal ng magsisilbing instrumento na makatulong sa nakakaawang kalagayan niya. Narito naman ang kabuuang post ni Rosalinda Wong:
"Nadaanan ko po sya kanina sa may overpass po ng Shell gasoline po sa may C-5, patawid po ako ng kabila sa Mackenly hills papauwi po ako at pinag pray ko sya at binigyan ko ng konting pera at naitanong ko po bakit sya naroon at nanlilimos kasi malakas pa sya mukhang hindi nya kabisado ang lugar at iniwan daw sya ng uncle nya umuwi na ng Leyte humihingi sya ng tulong pauwi ng Southern Leyte gusto po nyang umuwi na sa may ibig tumulong naroon lang po sya sa may overpass kung saan ko sya nakita sa sinumang may ginintuang puso tulungan po natin syang makauwi ng Leyte! Pa Share po itong post ko po! Thanks po!"
bakit di dinala sa barangay ng lugar n yan.sana sinamahan ng nakakita at dun manlang pasamntala n tumuloy.dapat un nagpoat ang kaunaunahang tao nakaisip sya tulungan lagit sa maliit n bagay manlang.
ReplyDeletepunta ka sa baranggay humingi ka ng tulong para makauwi ka sa logar nyo magtanong ka kong anong baranggay angkinaruroonan mo.
ReplyDelete