Ina, Nanganganib na Mabulag Matapos Masiko ng Kanyang 3-Taong Gulang na Anak
Mula sa balita ng GMA Regional TV Balitang Amianan nitong Marso 10, namaga ang kanang mata ng isang 22-taong gulang na ina matapos aksidenteng nasiko ng kanyang 3-taong gulang na anak. Ayon pa sa ulat ni Russel Simorio, sinabi ni Kim de Rama, residente ng Brgy. Banaoang Moncada, Tarlac, ay lumabo na din ang kanyang paningin sabay ng pamamaga ng kanyang kanang mata.

Kwento pa ni Kim de Rama, "Pag gising ko masakit saka mahirap imulat. Tapos parang natatakpan yung pinaka-black ng mata, natatakpan ng laman." Sumailalim naman sa angiogram procedure si Kim de Rama at lumabas ang resulta na nagkaroon ng abnormal connection sa mga ugat ng kanyang kanang mata."Blunt 'yan eh. Para ka na ring sinuntok lalo na kung hindi nakontrol ng bata yung siko niya. Maraming patutunguhan 'yan, puwedeng magkaroon siya ng pagdurugo," ayon sa ophthalmologist na si Dr. Monique Posadas.

Kinakailangan sumailalim sa 0perasyon si Kim de Rama dahil sa nasikong mata niya upang hindi siya tuluyan na mabulag. Pero dahil sa kakulangang pinansyal, hindi niya maipapaayos ang kanyang mata kaya naman nanawagan ito ng tulong sa mga may mabubuting kalooban. "Humihingi po ako sa inyo ng tulong sana matulungan nyo po ako kasi hindi po namin kayang ipagamit ang mata ko."

No comments