Ama na Paralisado, Nagme-Mekaniko para Mabuhay ang kanyang Pamilya


Walang imposible para sa isang taong may dedikasyon sa buhay. Hindi ang pagsuko ang sagot sa problema ng lahat. Marami pa rin sa atin ang nananatiling lumalalaban at kinakaya ang mga hamon sa buhay.

Isang halimbawa na lamang dito ang sitwasyon ng isang ama na nananatiling naghahanap-buhay kahit na ito may may kapansanan. Hindi hadlang sa ama na ito na maghanap-buhay kahit na paralisado pa ang kanyang kalahating katawan. Sinisikap niya pa rin na magtrabaho upang maitaguyod niya ang kanyang pamilya.



Makikita sa larawan na sa folding bed ang naging sandigan niya sa kanyang trabaho. Gumagawa ito ng iba't-ibang sira ng makina ng sasakyan, mapamaliit o mapamalaking sasakyan. Makikita rin sa larawan na sa folding bed din siya pinapaliguan ng kannyang asawa.



Magsisilbing aral ito para sa mga taong sumuko sa hamon ng buhay. Maging positibo lamang at isipin na makakaya lahat basta magkakatuwang at magkakasama. Pinapakita ng ama na ito na siya ay tunay na haligi ng tahanan dahil naging pundasyon siya ng kanilang tahanan, kahit na may kapanasan ay ginagawa pa din ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang pamilya habang ang kanyang misis ay nag-silbing ilaw dahil katuwang pa din siya ng kanyang asawa at hindi niya ito sinukuan.

No comments