Lalaki, Humihingi ng Tulong na Makauwi Matapos Iwan ng Kanyang Driver


Marami sa ating mga lkababayan na lubhang naapektuhan ng pandemyå. Ang ilan ay walang trabaho, wala ng makain at ang iba ay nagkakasåkit. Mas mahirap ang kumita ng pera ngayon dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya.

Ang ilan sa ating mga kababayan ay humihingi na lamang ng tulong sa pamahalaan, sa iba't-ibang programa gaya ng mga napapanood sa telebisyon o kaya naman sa mga taong bukas palad at handang tumulong sa mga kapos.


Mula naman sa isang facebook post ng concerned netizen na si Rodrigo Mina III, ibinahagi niya ang larawan ng isang lalaki na nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Rodrigo, naglakad mula Nueva Visaya hanggang Rizal Nueva Ecija si RJ Ramos dahil iniwan umano siya ng driver. Nakatira umano si RJ sa Tikay, Malolos, Bulacan. Gusto na niyang makauwi sa kanyang pamilya ngunit wala siyang kahit na anong dala o pera. Makikita din sa larawan na wala na ang isa niyang tsinelas.


Sa ngayon ay nasa Rizal, Nueva Ecija si RJ. Humihingi at kumakatok sa mga puso si Rodrigo para tulungan si RJ na makauwi sa kanyang pamilya.

Narito ang kabuuang post ni Rodrigo para sa mga nais tululong.

No comments