Lalaki, Pinalayas ng Amo Dahil May Hika At Hirap sa Paghinga. Nangangailangan ng Tulong!


Karamihan sa ating mga kababayan ay naapektuhan ng pandemya katulad ng pagkawala ng trabaho at pagsasara ng mga negosyo dahil sa pagkalugi nito.

Isang lalaki naman ang natagpuan ng concerned netizen na si Jonjon Joaquin Salvador sa LRT Gilmor Station. Kwento ng lalaki, pinalayas diumano siya ng kanyang amo dahil ito ay inaatåke na kanyang hikå. Hirap na hirap ang lalaki na makahinga dahil dito, hindi siya makalakad.
 


Dagdag pa nito, limang araw na daw siya sa LRT Gilmor Station at tatlong araw nang hindi pa nakakakain. Naglakas ng loob si Jonjon na kausapin ang lalaki. Sabi pa sa kanya, taga-Bacolod siya at may mga ilang kaanak din siya sa Antipolo.

Nananawagan ng tulong si Jonjon para sa lalaki dahil kinakailangan na nitong madala sa ospital at mapagamot dahil hirap na hirap na siyang huminga. Humingi naman ng pahintulot si Jonjon kung maaari ay ipakalat niya ang kanyang sitwasyon at ang kanyang video upang maipalapit sa programa ni Raffy Tulfo.


Nais din ng lalaki na makauwi na ng Bacolod. Sa ngayon ay umabot na ng 65k shares ang video at sana ay makaabot at malaman ito ng kanyang kaanak at pamilya.

No comments