Mag-asawang Homeless at Nangangalakal ng Basura, Nagkaroon ng Memorable Prenup Photo Shoot!
Ang pagsasamahan ng dalawang taong nagmamahalan ay hindi lamang puro masaya kung hindi ay may lungkot din. Sabi nga nila, "Ang pag-aasawa ay sa hirap at ginhawa."
Hindi alintana ang pagiging homeless na dalawang ito dahil punong-puno sila ng pagmamahal sa isa't-isa. Kahit na pangangalakal ang kinabubuhay nila, hindi ito naging hadlang upang sila ay maging masaya.

Sa tulong naman ng isang grupo na Rap4Love Studios, tinulungan nila ang mag-asawa na taga-Angeles, Pampanga na magkaroon ng memorable prenup photo shoot.
Binigyan ng Rap4Love, sa pangunguna ng vlogger na si Richard Stranz at para sa makeover na sina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco na bahagi ng kanilang charity wedding initiative para sa mga couples na walang kakayahan at salat sa buhay. Napaka ganda din na kinalabasan ng kanilang transformation sa tulong ng grupo.

Nag-viral ang kanilang mga larawan dahil kakaiba ang tema ng ginawang photo shoot sa kanila. Pinapakita sa mga larawan na magkasama sila sa hirap at ginhawa na kahit homeless sila at nangangalakal ng basura ay masaya silang nagmamahalan.
No comments