Matandang Lalaki na Magpapadala ng Pera para sa mga Anak, Pinagkamalang Pulubi sa Isang PawnShop!
Marami sa Pilipino ang nagpupursiging magtrabho ng marangal para sa kanilang pamilya. Ang ilan ay hindi na iniinda kung ano pa ang kanilang kasuotan. Marumi man ang kasuotan ay ayos lang ang mahalaga ay makapagtrabaho at makapagbigay ng pera para sa kanilang pamilya.
Isang larawan naman ng matandang lalaki ang nag-viral sa Social Media matapos mapagkamalang pulubi sa isang pawnshop. Masama ang naging tingin sa kanya ng ilang customers sa pawnshop na 'yon kaya naman pinili na lamang ni tatay na tumayo habang naghihintay kung maaari na siyang makapagpadala.

Nang malaman ng mga tao sa loob ng pawnshop na isa din pala siyang customer ay nakaramdam sila ng hiya dahil sa panghuhusga nila kay tatay. Ang matanda na inakalang nilang pulubi ay isa palang ama na nagtatrabaho ng marangal para makapagpadala sa kanyang mga anak at isa din sa customer ng pawnshop.
Kadalasan ang mga tao ay tumutingin at nanghuhusga sa pang labas na kaanyuan at kasuotan ng ibang tao. Hindi na nila namamalayan na mali ang kanilang panghuhusga at sa huli ay makakaramdam ng kahihiyan.

Sabi nga sa isang kasabihan, "Don't judge the book by it's cover." Ibigsabihin nito ay huwag husgahan ang libro batay lamang sa pabalat nito bagkus ay basahin at unawain ang nilalaman upang makita ang kagandahan ng mensahe ng aklat.


Ganyan ang pinoy d nmn lht pero tumitingin cla s panlbas n anyo
ReplyDeleteWhat's new lagi nman ganyan kpag nkita nila na ganyan ang hitsura sbihan n baliw o kya pulubi wag tyung mang judge dhil hndi ntin alam kong anu ang bhay nyan
ReplyDeleteMinsan nga may mga pera pa mga ganyan natakot lng malaman may pera kaya sana huwag husgahan ang ka suotan.
ReplyDeleteibang tao mapanghusga,,hindi nla alam ang hinuhugahan ma pera pa sa kanila
ReplyDelete