Matandang Makahiga lang sa Sahig, Humihingi ng Tulong dahil sa Kanyang Kalagayan





Isang concerned netizen na si Faith Jhen Vicera ang nagbahagi ng larawan ng isang nakakaawang lolo. Humihingi siya ng tulong para sa lolo na ito kahit hindi niya ito kaano-ano.

May karamdaman umano si lolo at nakatira lamang sa marumi at masikip na lugar. Hindi na din siya makausap ng maayos dahil sa kanyang karamdaman. Mga mga kamag-anak umano si lolo na nag-aalaga sa kanya ngunit nasa ganito daw siyang sitwasyon.



Hindi na makatayo gawa ng kanyang karamdaman kaya hindi na din alam kung paano maaalagaan si lolo. Panawagan nito sa mga kaanak ni lolo na sana ay bigyan manlang na maayos na higaan si lolo dahil umulan man o umaraw ay nananatili pa rin siya sa kanyang lugar.

Dagdag pa ni Faith, nangangayayat na din si lolo at nakakaawa daw ang kanyang kalagayan. Kaya naman kumakatok si Faith sa mga puso ng mga netizens lalo na sa programa ni raffy Tulfo na tulungan si lolo. Nakatira umano si lolo sa Mabuhay St. Pangarap Village, Sapang Alat Road, Caloocan City.




"Para po sa ikagagaan ng kalagayan ni tatay Sana po matulungan nio po xa.. Di po natin Alam Kung HANGGANG kelan pa KAYA tiisin ni tatay Ang kalagayan nia.. nanghihina na po xa.. maranasan man lng po Sana ni tatay na maging maginhawa Ang kanyang kalagayan.."
Panawagan pa kay Faith.

No comments