Matandang Pinalayas ng Kanyang mga Anak, Umiiyak sa Gilid ng Kalsada


Nakalakihan na ng karamihan ang magsasama ang buong pamilya mula sa lolo at lola hanggang sa mga apo sa tuhod sa iisang bubong. Ika nga nila, "Mas marami, mas masaya." Ngunit sa paglipas ng panahon, napaparami na ang mga balitang iniiwan na lamang ang matatanda sa ibang lugar kadalasan pa ay sa kalsada.



Maraming tanong at dahilan kung bakit ba ang mga anak ay pinapalayas ang kanilang magulang. Ngunit kahit na ano pa man ang dahilan mabuti man ang ginagawa ng kanilang magulang o masama ay hindi tamang palayasin at abandunahin nila ang kanilang mga magulang sa kalsada lalo na kung ito ay matanda na.

Isang post naman sa Social Media o Facebook ang kumalat matapos i-share ng concerned netizen ang larawan ng isang matandang may sakit na umiiyak dahil pinalayas di-umano ng kanyang anak. Natagpuan umano ang umiiyak na matanda sa gilid na kalsada sa Balibago, Sta. Rosa, Laguna.



"Bka po may nkka kilala kay taytay.sya po ai tga batangas.sya daw po ai pinalayas ng kanyang anak.sya po ai may skit ngyon andto po sya sa Balibago sta rosa laguna.pa share nlng po po" Ang kabuuang post ni Araman Lat na nagpakalat ng larawan ng nakakaawang matanda na ito.

Bilang isang anak ay hindi tamang isukli ang ganitong gawain sa kanyang magulang kahit na may nagawa man itong mali. Mag-silbing aral ito sa mga anak na hindi tama na palayasin ang magulang dahil sila ang nagpalaki at nag-aruga nang sila ay maliliiit pa lamang.

2 comments:

  1. Kawawa naman...sana magbago pa isip ng mga anak nya at hanapin sysya't iuwi sa kanila.

    ReplyDelete
  2. Ang mga ganitong klaseng mga anak dpat pinaparusahan ng btas.nkakaawa ang sitwasyon ng ama nila.kong anu ginawa nila sa knilang ama mas higitvpa ang ggawin ng knilang anak blang araw.

    ReplyDelete