Pamilyang Nakatira Lamang sa Barong-Barong at Walang Makain, Nangangailangan ng Tulong!
Nakaugalian na ng Pinoy ang pagtulong sa kapwa na naghihirap at nangangailang ng tulong, mapaliit man o mapalaking paraan. Maraming kumakalat sa Social Media na humihingi ng tulong, karamihan dito ay ipinaabot pa ito kay Raffy Tulfo dahil sa dami nitong natulungang mahihirap.

Ayon sa kanyang post, naninirahan ang pamilyang ito sa Purok 4, Dagatan, Guipos, Zamboanga, Del Sur. Ang mag-asawa na naninirahan sa barong-barong ay kinilalang sina Vicente Bebuso at Marina Pesay na may tatlong anak na lalaki.

Wala din umanong makain ang pamilya, tanging saging na tinatawag na "bunsalo" lamang ang kanilang pinagsasaluhan dahil wala silang kakayahang makabili ng bigas o ibang makakain.
Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, pinapakalat ng ilan sa atin na tinatawag na "Concerned Netizens" ang mga taong nangangailangan ng tulong. Isa na lamang ang concerned netizen na si Nhe Phe Jhoy na nagbahagi na kanyang Facebook post sa Social Media na may isang pamilya ang nakatira lamang sa barong-barong.

Hinihiling nito na sana ay may mabuting kalooban na mag-abot ng tulong sa pamilya lalo na at may mga bata pa. Paano na kung may magdaan ng malakas na bagyo? Malaki ang posibilidad na masira ang kanilang nagsisilbing silungan.

No comments