PANOORIN | Pinay na OFW, Sinurpresa at Binigyan ng Maraming Pera ng Kanyang Amo
Isang biyaya ang magkaroon ng mabuting amo sa ibang bansa. Katulad na lamang ng mga amo ng isang OFW Pinay na si Avelina.
Base sa video ng Supercarblondie o ang amo ni Avelina na si Alexandra Mary Hirschi, isang sikat na Australian Vlogger, sinurpresa ng kanyang team ang kanilang kasambahay na si Avelina na 50-anyos at may dalawang anak. Ang anak ni Avelina ay isang 29-anyos at ang bunso nito ay 15-taong gulang na nag-aaral pa. Kaya naman pumunta si Avelina sa Dubai upang makapag-ipon para sa pag-aaral ng kanyang bunso para sa kolehiyo.

Naisip ng team na mag-video na kunwari ay isang dokumentaryo lamang ang kanilang video ngunit ang hindi alam ni Avelina ay ang ginawa nilang video ay para sa kanya, upang surpresahin siya. Habang nagsasalita si Avelina ay pinahinto ito ni Alexandra upang bigyan siya ng bulaklak at iabot ang isang kahon na puno ng pera.

Ang pera na ibinigay sa kanya ay para sa pag-aaral ng bunsong anak ni Avelina at pang-pagawa ng sarili nitong bahay kapag ito ay uuwi na ng bansa at magre-retire na. Biro pa ng vlogger na si Alexandra na babawiin niya ang perang ibinigay nito kapag iniwan na agad sila ni Avelina dahil kailangan pa umano nila ang kasambahay.
Ayon pa kay Avelina, mabait at sinisigurado ni Alexandra na masaya ang mga tao. Makikita sa videong ito kung paano sinurpresa at napaligaya ni Alexandra at ang kanyang team si Avelina:

No comments