Proud na Proud si Ai Ai Delas Alas Matapos Niyang Mapagtapos ng Pag-Aaral ang Kanyang Nag-Iisang Anak



Malaking achievement para sa isang ina ang mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang anak. Sa hirap at sakrispisyo ng magulang ay isang gantimpala na ito para sa kanila. Proud na proud naman si Ai Ai Delas Alas sa kanyang nnapagtapos na anak na si Sophia Andrea Vera. Kilala ang komedyante/aktres bilang 'Ang Tanging Ina' na si Ai Ai Delas Alas.



Mula sa kanyang Instagram post noong Marso 6 ay makikitang pinagmamalaki niya ang anak niyang nakapagtapos ng Bachelor of Science in Early Childhood Education. Si Sophia Andrea ay nag-iisang anak na babae ni Ai Ai. Malaki ang pasasalamat nito sa Poonng Maykapal dahil sa pag gabay sa kanyang bilang isang ina na maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang anak. "Parang nabigyan ulit ako ng Papal Award at International Acting Award sa nangyaring ito, sobra sobrang trophy ito anak."
Nagpasalamat din ang aktres sa ama ng kanilang anak na si Miguel at sa maybahay nitong si Pricilla dahil pinatuloy ng mag-asawang ito si Sophia noong panahon na wala pa daw silang bahay sa Amerika at habang nag-aaral ng High School hangang mag-1st Year College ito.



"Nag papasalamat din ako kay miguel ( papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa amerika doon tumira ang anak ko habang nag aaral sya ng hschool at first year college salamat"

"I am so proud of you baby girl Budangdin, Budang Kulotski, Budaski , Andrea .. I love you so, Dearly Anak." Mensahe pa nito sa kanyang anak.


No comments