Pulis sa Ifugao, Kinupkop ang Lolang 90-Anyos Dahil walang Makain Matapos Iwan ng mga Anak
Isang Pulis sa Ifugao ang kinupkop ang isang Lola na may Edad na 90-anyos dahil mag-isa na lamang umano ito sa buhay at walang makain.
Isa sa mga pinakamasakit na pangyayari at patuloy na nangyayari ngayon sa lipunan ay ang pag aabandona ng mga iilang walang pusong mga anak at kapamilya sa kanilang mga magulang. Hinahayaan nalang mag-isa sa buhay ng walang nag aalaga.
Kahit pa man sa kasamaan ng iba, may mga mabubuting kalooban padin ang handang tumulong at lingapin ang mga matatandang iniwan na ng pamilya. Katulad nalang ng nakakahabag damdaming aksyon na ginawa ng isang Pulis mula sa Ifugao sa isang 90-na taong gulang na si Lola Aida Paduyao na naminuhay nalang ng mag-isa at hindi na makayanan pang maghanap ng kanyang makakain sa arawa-araw.
Sa inilunsad na proyektong ito, nagagawa ng mga mabubuting Kapulisan ang makapag-abot ng tulong sa mga taong lubos na nangailangan, mula mismo sa kanilang mga sariling bulsa at ambag-ambag na halaga.
Ang programang kinabibilangan ng mga kapulisan sa Ifugao ay pamamaran nila upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa mga tao at mamamayan sa Kiangan, kahit pa man ang iba sa mga kapulisan ay hindi residente ng naturang lugar
No comments