
Ang pagiging isang guro ay hindi madaling propesyon dahil sila ay tumatayo bilang pangalawang magulang ng kanilang mga estudyante. Kadalasan pa, ang mga estudyante ay itinuturing parang mga anak ang kanilang mga guro.
Mahabang pasensya ang kailangan nila dahil hindi lamang isa, kundi madami sila estudyante ang ginagabyan at tinuturuan ng mga guro. Sa loob ng paaralan, ang mga guro ang responsable sa mga estudyante nila. Responsibilidad at tungkulin din nila na bigyan ng sapat na kaalaman ang kanilang mga estudyante.

Ayon naman sa isang retiradong guro na si Ma'am Virginia Roble, kamakailan lamang ay naåksidente siya at nakapagtamo ng mga sugåt at nabålian ng braso. Kaya naman, isinugod siya sa Perpetual Succour Hospital sa Cebu City.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sakto naman na ang naging doktor niya ay isang estudyante niya noon, siya si Dr. Dilbert Monicit.

Nang umayos na ang kalagayan ni Ma'am Roble at nakalabas na ng hospital, laking gulat niya nang makita niya ang binigay na Prescription Paper na inabot sa kanya ng isang Nurse sa nasabing hospital.

Nakasulat dito na hindi na niya kailangan magbayad sa Professional Fee dahil matagal na umanong bayad ito dalawangpu't dalawang taon na ang nakakalipas. Nakasulat din sa "Note" na isa si Ma'am Roble sa naging paboritong guro ni Dr. Monicit.
No comments