Sen. Ping Lacson, Isinulong ang Batas ng Magpaparusa sa mga Anak na Mag-aabandona sa Kanilang Magulang na May Karamdaman at Matatanda
Si Panfilo "Ping" Morena lacson Jr. (pinanganak noong Hunyo 1, 1948) ay isang senador sa bansa na nag-serbisyo mula 2001 hanggang 2013 at 2016 hanggang ngayon. Isa din siyang retiradong pulis na namuno sa Philippine National Police o PNP noong 1999 hanggang 2001.


Hinangaan si Sen. Ping Lacson dahil sa angkin tapang nito at sa ilang mga batas na kanyang isinulong kagaya na lamang ng Senate Bill. 29 o ang Parents Welfare Act of 2019. Ang batas na ito ay naglalayon na mapangalagaan at maprotektahan ang mga matatanda at mayroong karamdaman.
Sa ilalim ng panukalang inihain ni Sen. Ping Lacson, maaaring makasuhan ang mga anak na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang mga tumatanda o may sakit na magulang. pic.twitter.com/kgOVuKABWH
— News5 (@News5PH) September 30, 2019
Sa kung sino mang mga anak ang mang-abandona o magpabaya sa kanilang magulang ay may kaparusahån. Layunin din ng batas na ito na bigyan ng suporta ang mga magulang na may karamdaman at matatanda na.
Ayon sa batas, ang isang magulang ay may karapatang humingi ng tulong sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng isang petisyon na susuportahan naman ng korte.

Kung hinda naman ito masunod ng anak ay mahahahrap siya sa kas0. Maaari silang mag multa ng hindi bababa sa P100,000 o pagkakakul0ng na hindi bababa sa anim na buwan.
Para naman sa mga anak na mang-aabandona sa kanilang magulang ay maaari sila maharap sa sa anim hanggang sampong taon na pagkakakul0ng. At may multa na hindi bababa sa p300,000.
Ayon sa batas na ito, dapat ay magkaroon ang bawat probinsya at mga lalawagan ng isang maayos na Old Age Homes kung saan maaaring maging tirahan ng mga matatandang may karamdaman at mga magulang na may kapansanan.

Sa dami ng nababalitang nang-abandona sa kanilang mga magulang ay maganda at talaga makakatulong ito sa mga magulang na may karamdaman at matatanda na wala ng kakayahang magtrabaho na nangangailangan ng suportang pinansyal galing sa kanilang anak.
No comments