Titser, Naantig sa Kanyang Estudyanteng Wala nang Pangbili ng Tsinelas, Nagawa pang Magbigay ng Saging!



Marami sa mga kabataan ngayon na gadgets na lamang ang laging hawak. Ngunit, sa ibang lugar gaya ng bulubundukin ay kadalasan na walang mayroong gadgets sa kanila. Karamihan pa ay salat at isang kahig, isang tuka ang mga magulang.

Hindi dahilan ang kahirapan upang hindi makapagbigay ng biyaya sa iba. Gaya na lamang ng isang estudyante na kinamanghaan at naantig ang puso ng kanyang titser sa ginawa nito.


Ayon sa isang guro, huli nang pumasok ang kanyang estudyanteng si Manuel at wala pa itong suot na tsinelas. Nagulat na lamang umano ang titser nang may nilalabas si Manuel mula sa kanyang bag. Ito pala ay isang pasalubong na saging ni Manuel para sa kanyang titser.

Labis naman ang pagkagalak ng kanyang titser dahil sa kabila ng pagkasalat sa buhay ay nagawa pa niyang magbigay sa iba. Nagtrending naman ang istorya na ito matapos ibahagi sa Social Media ng titser na si Ryan James Duenas.


Marami namang netizens ang naantig sa kanyang istorya. Ayon sa netizens, kung sino pa ang walang-wala ay sila pa ang nagbibigay. Marahil ay alam nila ang pakiramdam ng walang-wala. Kaya naman, magsilbing aral ito sa mga kabataan ngayon na maging mapagbigay na bukal sa kalooban.

No comments