Tricycle Driver, Nagsauli ng Kalahating Milyong Piso na Naiwan ng Kanyang Pasahero

Isa sa pinaka mabuting asal ng mga pinoy ay ang magsauli ng pag mamay-ari ng iba at hindi nagpapatukso sa malaking halaga ng salapi.
Nangingibabaw naman ang katapatan ng isnag tricycle driver dahil ibinalik niya ang kalahating milyong piso na naiwan ng kanyang pasahero. Binigyan siya ng karangalan dahil sa kanyang kabutihan. Siya si Nino Clor, 38-taong gulang na residente ng Purok Matahimik Isla sa Lucena City.

Ang nagmamay-ari ng kalahating milyong piso ay isang babae na nakatira sa Isla Polilio sa Quezon. Kahit na kapos si Nino at kailangan niya ng pera ay hindi niya inangkin ang nakuha niyang salapi bagkus ay walang alinlangan niyang sinauli ito sa may-ari. Malaking tulong na para sa kanyang pamilya ang kalahating milyon, hindi na nagdalawang isip si Nino na isauli ito sa babae.
Ayon pa kay Nino, nakababa na sa kanyang tricycle ang pasahero nang makita niya ang isang bag. Nang tingnan niya ito ay bumungad sa kanyang ang limpak limpak na salapi, nakita rin niya ang ID ng babae at nakilala niya agad ito.

Kaya naman ng maibalik na sa may-ari ang bag, ay laking pasasalamat nito kay Nino dahil sa kanyang katapatan. Binigyan naman ng karangalan si Nino sa Lucena City sa pagsauli ng pera sa may-ari at sa kanyang angking katapatan.
Lagi natin tatandaan na mas mayaman ang mga mabubuting tao, hindi dahil sa salaping mayroon kundi sa kabutihan ng kalooban. May mabuting kapalit ang bawat kabutihang ginagawa.
No comments