Ama, Gumawa ng Bag para sa Anak dahil Salat sila sa Pera para Bumili
Bago pa man dumating nag panahon ng pandemya at normal pa ang lahat, malaya ang mga bata na makalabas, makapasyal, makapaglaro at makapasok sa paaralan.
Isang taon na ang nakakalipas nang pumasok ang pandemya sa bansa. Marami ang nabago sa sistema, kung noon ay may face-to-face classes sa paaralan ngayon ay online classes at modules na. Dati ay excited ang mga kabataan kapag malapit na ang pasukan o back-to-school dahil ang karamihan ay abala sa pagbili ng bagong sapatos, school supplies, uniporme at bag.

Ngunit ang ilan ay walang kakayahang bumili ng mga bagong kagamitan ng mga bata sa eskwela. Isang bata naman na may kakaibang bag ang kinagiliwan sa kanilang paaralan maging sa Social Media. Nag-trending ang isang likhang bag ng ama ng bata na ito.
Isang guro sa paaralan sa Lumphat Primary School na kinilalang si Teacher Sophous Suon ang nagbahagi ng litrato ng bata na may suot ng DIY bag na gawa ng kanyang ama. Bagamat kapos sa pera, hindi naman kapos sa ideya ang isang ama dahil nakagawa siya ng isang bag na magagamit ng kanyang anak.

Marami namang netizens ang namangha sa bag na kulay asul na gawa raffia strings na nagmula sa isang fibrous plant na maihahalintulad sa abaca. May lock din ito at straps na pwedeng isuot ng kanyang anak.
Kinilala ang bata na ito na si Ny Keng na isang first grader pupil sa kanilang paaralan. Hindi naging hadlang sa kanyang pag-aaral ang kahirapan dahil sa kahit na simple at hindi mamahalin ang kanyang bag, mas matimbang naman ang maparaang ginawa ng kanyang ama.

No comments