Watch | Kuya Wil, Natuwa sa 18-Anyos na Binata Dahil sa Kabutihan ng Kalooban Nito


Pangarap ng ilan sa mga kababayan natin ang matawagan ni Kuya Wil. Ang programa ni Willie Revillame na Tutok to Win ay malaking tulong para sa mga kababayan natin na salat sa buhay.

Noong Marso 18, isang 18-anyos na binata ang tinawagan niya. Natuwa sa kanya si Kuya Wil sa binata dahil masarap itong kausap at mabait ang binata. Nagkabiruan pa silang dalawa nang sagutin ng binata ang tawag ni Kuya Wil.


Ayon kay sa binata na si Jomer, sa pier nagtatrabaho ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay namamasukan bilang kasambahay. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Nakatira si Jomer sa Sorsogon.

Tila masiyahin si Jomer habang kausap si Kuya Wil. Sinabi niya na pangarap niya maging isang inhinyero. Sa ngayon ay isa sing Grade 12 student at kasalukuyang nag oonline class.

Tinanong din siya ni Kuya Wil kung may tablet ba siya, ang sagot niya ay wala at tanging cellphone lamang ang kanyang ginagamit. Dagdag pa niya, namasukan siya noong nakaraang maglockdown at ang naipon niyang pera ay pinangbili niya ng cellphone para may gamitin siya sa online class.


Dahil dito, binigyan siya ni Kuya Wil ng tablet at ibibigay na lang niya umano sa kanyang nakakabatang kapatid.

Araw-araw daw ay nanonood sila at nag-aabang na matawagan sila ni Kuya Wil. Dahil  tuwang-tuwa si Kuya Wil sa kabutihan ng kalooban ni Jomer, binigyan niya ng limang jacket at 45,000 pesos ang binata.

Lubos naman ang pasasalamat ni Jomer kay Kuya Wil at sa mga sponsors ng programa.
 

No comments