71-Anyos na Bulag na Lola, Nananatiling Positibo sa Buhay Kahit na Maraming Beses nang Nanakåwan ng Paninda!


Karamihan sa mga matatanda ngayon ay nananatili pa din sa pagkayod sa buhay para makaraos sa pang araw-araw lalo na 'yung mga matatanda na hindi na nasusuportahan ng kanilang mga anak. Ang iba naman ay pinipili nilang maghanapbuhay pa rin dahil nakakapaglibang pa sila at mas nakakaramdam sila ng såkit kapag nakahiga at nakatambay lamang sa bahay.




Gaya na lamang ng isang matandang babae na ito. Hindi man makakita, nananatiling makulay ang mundo ng isang 71-anyos na Lola mula sa Bangkok, Thailand.

Ayos sa ulat, Alas siyete pa lamang daw ng umaga ay nagsisimula ng magbenta ng tinapay si Aunt Nid. Kung sinuswerte, pagsapit ng alas kwatro ay ubos na ang kaniyang mga paninda.

Patuloy pa din sa pagtitinda ng tinapay si Aunt Nid sa kabila ng kanyang edad at kahit pa madalas siyang pinagnanakåwan ng mga dumadaan sa kanyang pwesto. Nais niyang makapag-ipon kaya naghahanap-buhay pa din siya.




Hindi rin mataas magbigay ng presyo ang matanda, bagkus ay ibinababa pa niya ito nang sa gayon ay makabili ang mga kulang ang pera.

Dahil dito, marami ang humahanga at kumukuha ng inspirasyon kay Lola Aunt na hindi nagpapatinag sa hamon ng buhay.

No comments