9-Anyos na Lalaki sa Occidental Mindoro, Nagbahagi ng Kamote para sa Community Pantry sa kanilang Barangay, Hinangaan ng Marami!




Marami na nga ang na-inspire na gumawa ng community pantry sa ating bansa. Naunang naglunsad ang isa sa barangay sa Quezon City na na tinawag na "Maginhawa Community Pantry" kung saan bukas ito para sa mga taong kailangan ng pagkain at bukas din sa mga taong gusto mag-abot ng tulong.




Ayon sa katagang "Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan" ay may mga taong bukas-palad na mag-abot ng tulong sa iba. Ang pagtulong ay hindi nasususkat sa laki o sa presyo nito, kahit mapamaliit man ito ay mananatiling tulong pa rin ito para sa iba.

Ayon naman sa facebook post ni John Christoper Lara noong Abril 20, ibinahagi niya ang istorya tungkol sa batang nagbigay ng kamote para sa kanilang community pantry. Namangha siya sa angking kabutihan ng bata dahil kahit na walang-wala sila ay naisip at nagawa pa din nitong tumulong sa kapwa.




"Ito si Cornelo, 9 yrs. old, kapatid natin mula sa komunidad ng mga Indigenous People dito sa Sitio Siapo, Brgy. Pinagturilan, Occidental Mindoro. Ilang sandali matapos i-anunsyo ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan ang aming isinasagawang community pantry at sabihin na maaari silang magbigay ng mga pagkain para makatulong sa iba, lumapit siya sa amin at inabot ang halos kalahating sako ng kamote. Bigay raw ito ng kanilang pamilya.

Sa aming tuwa, binigyan na rin namin sila ng ilan sa aming mga dala. Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong. Salamat Cornelo sa patuloy na pagbibigay buhay sa espiritu ng bayanihan."




"Mananatili kayong inspirasyon para sa amin. Sana rin ay mas dumami pa ang mga magbigay ng tulong lalo na para sa mga kababayan nating Indigenous People. Sobrang nahihirapan at naaapektuhan rin sila sa mga nangyayari ngayon.

Gaya nga nang narinig naming kanta kanina mula sa isa pa nating kapatid na katutubo, 'Kaming mga Mangyan ay tao rin, may damdamin at pangangailangan, tao sila. Mga mabubuting tao. Kaya kung kinakaya nilang magbigay sa kanilang mumunting pamamaraan, sana ay tayo rin."


Bumuhos naman ang mga taong humanga sa ginawa ni Cornelo. Lubhang pambihira ang katangian nito bilang isang bata ay nagawa na nitong tumulong sa iba.



No comments