Anak ng Isang Mahirap at Single Mom, Nakapagtapos sa Kolehiyo Bilang Isang Magna Cum Laude!


Sa buhay ay maraming dumadating sa atin na pagsubok. Kadalasan, sa hindi inaasahang mga oras ay susubukin tayo ng panahon kung gaano tayo katatag.

Halos lahat sa atin ay pinapangarap ang makapagtapos ng pag-aaral nang maging maganda ang ating hinaharap. Ngunit may ilan sa atin na sinusubok ng panahon at maraming pagsubok na dumadating sa buhay.




Isa na rito si Justin Jay Malarasta na bunso sa anim na magkakapatid. Ayon sa kanya, musmos pa lamang siya noong nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang dahil nagmahal umano ng ibang babae ang kanyang ama at iniwanan na sila nito.

Kaya naman, talagang nahirapan daw ang kanilang ina sa pagsuporta upang maitaguyod silang magkakapatid ngunit hindi naman ito naging dahilan upang sumuko ang kanilang ina. Kahit na nahihirapan ay pinilit pa rin ng kanilang ina na mapagtapos sila sa pag-aaral.




Malaki ang pagpapahalaga nilang magkakapatid sa edukasyon kaya imposible man sa iba ay pinilit nilang makapagtapos sa pag-aaral. Ngunit, dahil sa kakapusan at kahirapan sa buhay ay kinakailangang huminto ng pag-aaral ni Justin dahil kasalukuyan pa noon na nag-aaral ang kanyang Kuya Wendell sa kursong BS Criminology.

Tatlong taon siyang nahinto sa pag-aaral kaya naman, habang hinihintay na makapagtapos ang kanyang Kuya ay naghanapbuhay muna siya at tumulong sa kanyang ina.




Nang oras naman niya sa pag-aaral ay pinagbuti niya ito kaya naman nakapagtapos siya bilang isang Magna Cum Laude at Valedictorian sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science ang Technology (EARIST) Cavite Campus. Malaki ang pasasalamat niya sa mga sumuporta at nagtiwala sa kanya lalo na sa kanyang ina na hindi sumukong mapagtapos siya sa pag-aaral.



No comments