Bata, Binawian ng Buhay Dahil sa "Chewy Candy"
Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang bata na nakalunok ng chewy candy at binawian ng buhay. Ngayon ay mayroon na namang isang bata ang binawian ng buhay dahil sa kaparehong dahilan. Ayon sa facebook post ng ina ng bata na si Kristine Joyce Bayona Cercado, nakalunok umano ang kanyang anak ng chewy candy dahilan ng pagpanåw umano nito.
Sa ngayon ay umabot na ng 16k reactions, 14k comments at 44k shares ang naturang post. Labis naman ang pagluluksa ng kaanak ng bata. Maraming netizens naman ang nagpadala ng pakikiramay sa mga naulilang kaanak nito.
May ilan din ang nagkomento na sana ay mag-doble ingat ang mga magulang sa pagbabatay sa kanilang anak. Hindi natin masasabi ang takbo ng panahon dahil maaaring sa isang iglap lamang ay mawala ang pinaka mamahal natin sa buhay.
Ang chewy candy ay isang uri ng kendi na matamis at mas malambot kumpara sa mga pangkaraniwang kendi. Ngunit, nakakasama ito lalo na sa mga bata kung malulunok ito ng buo dahil maaaring makabara ito sa daluyan ng hangin sa katawan.
Kaya naman, mag-doble ingat ang mga magulang at huwag hayaan na kumain ng kung anu-ano ang mga bata lalo na kung alam natin na ito ay makakasamå para sa kanila. Mas maganda na ang maging maingat sa lahat ng bagay lalo na sa kapakanan ng mga bata.
No comments