Batang Lalaki, Binebenta ang kanyang mga Medalya Para may makain at Pang-bayad sa Upa!



Lubhang nakakahanga ang mga kabataan ngayon na tumutulong sa kanilang magulang hindi lamang sa mga gawaing bahay dahil kung minsan gumagawa din sila ng paraan upang kumuti nang sa ganoon ay makapagbigay sila sa kanilang magulang.

Nakakatuwang isipin na sa murang edad pa lamang ay iniisip na nila kung paano makakatulong sa kanilang magulang. gaya na lamang ng batang lalaki na ito. Siya ay si Kenneth Mendoza, 9 na taong gulang.




Malaking epekto ang kinahaharap na pandemyå sa kanyang pamilya. Nawalan umano ang kanyang ina ng trabaho bilang isang guwardya. Ang ina ni Kenneth ay isa din single parent kaya naman sa kagustuhan na makatulong ni Kenneth sa kanyang ina ay naisipan niyang ibenta ang kanyang limpak-limpak na medalya.

"Mga medals ko po. Bente bente lang po. Salamat po."
 Ani ni Kenneth sa kanyang post.

Nasa ikaapat na baitang pa lamang si Kenneth at marami na siyan nakuhang medalya at karangalan sa eskwelahan. Kaya naman talagang mahalaga sa kanya ang kanyang mga medalye dahil ito ay simbolo ng pagiging masipag niya sa pag-aaral.
>



Ngunit handa pa din niya itong bitawan upang makatulong sa kanyang ina. Para umano may pangbili sila ng makakain at pangbayad na din sa upa sa kanilang maliit na tinutuluyan.

"Itong pand3m!c po sobrang hirap po. Sunod sunod kaming nagkakasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga ayoko magkas4kit ang mga anak ko. Syempre nanay ako e, mas masakit sakin yun. Bawal din ako magkas4kit, dahil paano sila kung nakahiga ako? Hindi pwedeng umaasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon," saad naman ng ina ni Kenneth.




"Nahihirapan na po ako kapag nahihirapan si Mama. Iniisip ko lang kung makakabayad pa kami ng bahay. Kasi kapag hindi kami nag bayad palalayasin na kami dito.

Naisip ko po ibenta ang mga medals ko. Kasi kapag pinatagal ko pa sa lagayan, baka po mangalawang. Pero pinaghirapan ko po yun. Gusto ko po ibenta kasi nahihirapan na si Mama ng sobra. Kahit marami na kaming pinagdaanang pagsubok, hindi niya kami iniwan," 
ayon naman kay Kenneth.



No comments