Batang Nagdiwang ng Kanyang Kaarawan, Hiniling sa mga Pulis na Mayakap Sila at Makasakay sa Sasakyan Nila!
Sa mga simpleng bagay ay madaling mapasaya ang mga bata. Masaya na sa kanila ang simpleng pagdaos ng kanilang kaarawan, ang iba ay gusto lamang makakain sa labas at may ilan din na ayos lang kahit ano o kung paano ipagdiwang ang kanilang kaarawan dahil ang mahalaga sa kanila ay maalala ang pinaka espesyal na araw para sa kanila.
Composite Start -->
Isang bata naman ang humiling sa tatlong kapulisan. Ang mga pulis na ito ay sina Police Corporal Ronnie Consuegra, Patrol Woman Julie Anne baniaga at si Patrol Woman Gladys Niña Quimpo ng PNP Station 3 sa Naga Police Regional Office 5 noong Abril 2, alas-sais ng gabi.
Nagbabantay umano ang tatlong pulis sa Simbahan ng Peñafrancia nang may isang batang babae na humiling sa kanila na yakapin sila at sumakay sa kanilang police mobile.
Dahil dito, hindi naman sila nagdalawang-isip na tuparin ang simpleng kahilingan ng bata. Napag-alaman din nila na kaarawan pala nito kaya naman napagdesisyunan nilang bilhan ang bata sa isang fastfood chain para sa kanyang kaarawan.
Makikita sa larawan na kasama din niya ang kanyang ina na nakasakay din sa police mobile habang ang bata naman ay may hawak-hawak na lobo.
Composite Start -->
Sa isang facebook page ng I Love PNP ay laking tuwa umano ng bata ang nangyari sa kanyang kaarawan dahil mas higit pa sa hiniling niya ang tinupad ng tatlong pulis.
Composite Start -->
No comments