Delivery Rider na Nahablutan ng Cellphone, Tinulungan ng mga Netizens!
Kamakailan lamang ay nag-viral ang facebook post tungkol sa delivery rider na nahablutan ng cellphone habang papunta sa bahay ng kanyang customer upang ideliver ang items nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay na-delay ang kanyang pagdeliver dahil hinablot umano ang kanyang cellphone dahilan kung bakit nahirapan siyang hanapin ang lugar kung saan nakatira ang kanyang customer.
Ayon naman sa isang post ng facebook page ng Sigaw ng kabataan; "Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat nyang idedeliver na order. Ayon sa kanya, habang hinahanap nya ang delivery point ng Customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer.
Naiyak na lang ang ating Rider dahil bukod sa hinuhilugan pa nya ito sa home credit ay napasama pa dito ang kaunting ipon na nakasiksik sa case . Hindi din nya alam ngayon kung pano sya mag tatrabaho dahil nawalan sya ng pang hanap buhay na Cellphone.
Wag po sana nating gawin to sa kapwa natin lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw."
Kwento naman ng rider na si Dexter sa programa ng Kapus0 Mo, Jessica Soho, "'Yung cellphone kasi ang pinakapuhunan naming mga rider. Doon ka kino-contact ng customers at ng operator. Isang gabi, magde-deliver lang ako dapat ng mga vitamins. Kaso ‘yung cellphone ko, ninakaw Ang masÃ¥kit, hinuhulugan ko lang din ‘yung cellphone na ‘yun. Sobrang nakakapanghinayang. Kasi parang nawala lahat. Hindi ko po malaman ang gagawin ko."
"Kasama rin sa natangay ‘yung 1,500 na nasa case ng cellphone ko. Panghuhulog ko dapat ‘yun sa cellphone sa susunod na buwan. Hindi ko lubos maisip bakit sa akin pa nangyari ‘yun. Ang gusto ko lang naman magtrabaho para kumita. Buti na lang din talaga may mga taong may malasakit pa rin at tumulong sa akin. Hindi ko po inakala na sobrang dami pong tutulong sa akin. May nagbigay ng cellphone. Sa lahat ng taong nagmalasakit, sobrang laki po ng pasasalamat ko sa inyo.
Pagpalain sana kayo ng Diyos!" dagdag pa nito.
Simula ng mag-viral ang post na nangyari tunngkol kay Dexter ay dumagsa na ang mga tulong na galing sa mga netizens.
"Kung sa atin, ang babaw na bagay nu’ng cellphone, para sa tulad niyang rider malaking bagay ‘yun. Kabuhayan niya ‘yun eh. Kaya naisipan ko siyang bigyan ng cellphone. Gusto ko kasi siyang matulungan para mapagpatuloy siya sa buhay. Malaking bagay kasi ‘yung magtutulungan tayong lahat, para malagpasan natin ang mga pagsubok," pahayag naman ng Team Katagumpay na isa sa mga tumulong kay Dexter.

No comments