Grupo ng mga Kababaihan na Nag-simot ng Laman ng Isang Cummunity Pantry, Handang Ibalik ang Mga Kinuha!
Kamakailan lamang ay mabilis na kumalat sa social media ang video na kuha sa CCTV Footage kung saan may isang grupo ng mga kababaihan ang nahulicam matapos na ubusin at simutin ang laman ng lamesa na naglalaman ng iba't ibang pagkain.
"Wala na silang itinira eh," ani Carla Quiogue, na siyang nagtayo ng nasabing community panty. "Gusto ko lang i-point sa kanya na yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan," sabi ni Quiogue
Ang mga pagkain na ito ay unang naisipang gawin ng Maginhawa Community Pantry hanggang sa naging inspirasyon sa iba na gawin din ito upang makatulong sa kapwa. Layunin ng Community Pantry na magbigay ng bukas palad sa mga nangangailangan at makatulong sa kapwa.
Ngunit isang video ang nag-viral ang nakuhan sa isang barangay sa Pasig. "Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila 'yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, 'Ibibigay na lang po namin 'to sa mga kapitbahay namin.' Sabi ko sa kanila, 'puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n'yo," pahayag ni community pantry organizer Carla Quiogue tungkol sa insidente.
Sa ulat naman ng GMA News, ipinahayag ng isa sa mga kababaihan ay sinabi na handa naman daw nilang ibalik ang mga kinuhang pagkain at isa pa ay kakaunti lang naman daw iyon. Sinabi din nilang bibigyan din nila ang kanilang mga kapitbahay kaya kinuha na nila ang lahat. Mayroong mga kapitbahay na nagsasabing nakatanggap nga daw sila ngunit mayroong nagsasabi na hindi daw sila nakakatanggap.
"Syempre sir nasasaktan po kase kokonti lang din po yun. Kaya po naming isoli 'yon, kung ganyan lang din po na ilalabas nila sa social media," pahayag ng isa sa mga kumuha ng pagkain sa Community Pantry.
No comments