Hairstylist, Nilibot ang Buong Quezon City Upang Mamahagi ng Libreng Gupit para sa mga Pulubi na sa Kalye Lang Nakatira!



Sa panahon ngayon ay sunod-sunod na ang pagsubok na dumarating sa atin. Pinaka-malaking pagsubo na marahil ang pagpasok ng pandemya sa ating bansa dahil maraming tao ang naapektuhan. Ang mga may negosyo noon ay nagsara na at ang iba naman na empleyado noon ay wala ng trabaho ngayon.

Masasabi natin na ang noong mahirap ay mas lalong naghirap na dahil sa patuloy na pagkalat at mabilis na paglobo ng bilang ng mga nagkakaroon ng C0VID-19. Ngunit sino ba naman ang magtutulungan sa huli kundi tayo-tayo ring mga pinoy.




Isang professional hairstylist naman ang nagbahagi ng kanyang talento sa paggupit at pag-ayos ng buhok. Naisipan niyang ikutin ang buong Quezon City at magbigay ng libreng gupit para sa mga pulubi o naninirahan lamang sa kalye.

Dahil karamihan sa mga ito ay hindi na nagagawang mag-ayos ay tinulungan ni Marko Bustarde ang ilang mga kababayan natin na pulubi. Si Marko ay 27-anyos.




Marahil ay isang biyaya mula sa Diyos ang kanyang talento sa paggupit kaya naman ibinahagi niya ito sa mga nararapat na tulungan. Tila hindi alintana ang pangånib sa kanya dahil ang kanyang isip ay sa kanyang misyon lamang.

Bukod sa paggupit ay nagbiyaya din siya ng pagkain o kaya naman ay saktong pera sa pangbili ng pagkain. Mula pa si Marko sa Caloocan at sa tuwing siya ay may bakanteng oras ay iniikot niya ang Quezon City upang humanap ng karapat-dapat na tulungan.




Halos limang tao na umano ang kanyang natutulungan. Plano niya na tatlo hanggang limang tao ang matulungan niya sa isang linggo kapag siya ay nagkaroon ng mas mahabang bakanteng oras dahil siya ay isang on-call hairstylist.

Ang pagtulong sa kapwa ay walang batayan kung ito man ay maliit o malaki. Ang mahalaga ay makatulong ka sa iyong kapwa sa abot ng iyong makakaya at ito ang ginawa ni Marko. Sa pamamagitan ng kanyang talento ay tumulong siya sa kanyang kapwa.

No comments