Isang 36-Anyos na Babae na Nagsilang ng Kanyang Ika-44 na Anak, Pinagbawalan na ng Doktor na Magbuntis pa!



Ang pagkakaroon ng anak sa mag-asawa ay matuturin na isang biyaya galing sa Diyos. Isa sa dahil kung bakit matibay ang pagsasamahan ng mag-asawa dahil sa kanilang anak. Ang mga kababaihan ay ang nagdadalang-tao sa loob ng siyam na buwan at iluluwal ang kanilang supling sa ika-siyam ng buwan nito.




Isang babae naman ang hindi lamang isang anak, dalawa o tatlo kundi apatnapu't apat. Ngunit sa kasamaang palad ay ang anim niyang mga anak ay maagang pumanaw.

Ang pambihirang ina na ito ay si Miriam Nabatanzi. Marami ang namangha at nagulat sa kanya. Ayon sa mga naunang ulat noon ay labing dalawang taong gulang pa lamang si Miriam noong ikinasal siya sa isang 40-anyos na lalaki.




Magmula noon ay nagkaroon siya ng 44 na anak. Lingid sa kaalaman ng mga tao ay mayroon pala siyang hindi pangkaraniwang kundisyon. Hindi daw kasi normal ang sukat ng kanyang obrayo dahil mas malaki ito kumpara sa normal na sukat.




Sa mga kababaihan, tinatawag na "fertile" sila kung 12 hanggang 14 na araw bago ang kanyang buwanang dalaw at malaki din ang tiyansa na mabuntis sila lalo na kung hindi gumamit ng proteksyon sa pagtatålik.




Ang kondisyon naman ni Miriam ay marami ang "egg cell" na nilalabas ang kanyang katawan bawat buwan. Dahil dito, malaki ang tiyanasa niyang mag dalang tao ng marami. Ang ganitong uri ng kondisyon ay maaaring "hereditary".




Si Miriam ay maroong anim na kambal, apat na triplets at limang quadruplets. Dahil sa kanyang kondisyon ay pinayuhan siya ng kanyang doktor na huwag nang magbuntis pa dahil maaaring makasama ito sa kanyang kalusugan at ikabagsak ng kanyang pangangatwan.

5 comments:

  1. Kya pla dumami kc bawat anak madami na lumabas,bake 11 na ogbubuntis lng ang 44 anak.unvelievable! Believed aq k ate nkyanan yung mga kambal sa tyan.congrats po,big fam blessing p rn yn.stay safe!

    ReplyDelete
  2. Mapapasama all nalang ako

    ReplyDelete
  3. Blessed woman from the lord..

    ReplyDelete