Isang Babae ang Gumawa ng 'Community Pantry' Para sa Kanilang Lugar: "Magbigay Ayon sa Kakayahan, kumuha Batay sa Pangangailangan."



Mahalaga na magtulungan ang bawat isa sa atin lalo na ngayong panahon ng pand3mya. Ang pag-aabot ng tulong sa ating mga kababayan na kapos ay isang malaking bagay na para sa kanila. Mapamaliit man o mapalaki ang tulong na iabot natin ay nananatiling tulong pa rin ito. Dahil ang mahalaga, bawat isa sa atin ay nagbabayanihan at nagtutulungan.




Isang babae naman ang gumawa ng 'community pantry' para sa kanilang lugar sa Quezon City. Ayon sa ulat ng GMA News ay sa ganitong paraan daw ay nais niyang mabigyan ng kaunting tulong ang mga nangangailangan at hikayatin ang iba na tumulong rin.

Ilang tricycle driver, construction worker, at mga street sweeper ang natulungan ng "Maginhawa Community Pantry" kung saan may nakuha silang libreng gulay.

Maraming netizens naman ang namangha at na-inspire sa ideya o proyektong ito. Maraming positibong komento galing sa mga netizens ang nasabing post. Sa ngayon ay mayroon ng 40k reactions ang naturang ulat.




"Sabi nga po, GET WHAT YOU NEED and NOT WHAT YOU WANT. Free Store at Feeding program sa mga kapos at higit na nangangailangan nating kapwa mahihirap," ayon kay Noli Orejas.

"Food Bank ang tawag dyan sa abroad. Yung mga supermarket/ bakeries na malapit ng ma expire ang mga paninda dino donate sa Food Bank para pakinabangan , kasi malimit tinatapon lang .
Usually ang mga nakikinabang sa mga Food Banks mga nawalan ng trabaho at mga disabled,"
 ayon naman sa komento ni Bong Cee.


"A generous act of kindness we need more of that at this trying time. Thank u for the inspiration."
 Ani naman ni Crio Coleen.

"Yung sakto lang kuha, wag mag-aksaya, para marami makinabang. tnx sa gumawa nyan. isang inspirasyon," saad naman ni Jonathan S. Oraño.



No comments