Isang Ina na may Malubhang Karamdaman, Nangangailangan ng Tulong!



Isang facebook postang lubhang nakakalungkot. Ang uploader ng mga larawan na ito ay si Nhylemad Vega Lim ayos sa kanyang facebook account. Nagbabakasakali umano siyang humingi ng tulong sa mga netizen para sa kanyang ina na may malubhang karamdaman.

"Pasintabi po sa kumakaen..Nagbabakasakali lang po kakatok sa inyong mga puso..kahit maliit na bagay ay malaking tulong na po para sa amin..Nais ko pong humingi ng tulong para sa Nanay ko..nagsimula po ung sakit nya sa bukol lang sa leeg..hanggang sa pinacheck up na po sabi sa resulta pigsa lang daw pero hanggang ngaun dpa gumagaling at nagkaroon na po ng butas hanggang sa unti unti na pong lumalaki ang butas...bukod po don may diabetes din po sya.."




Hindi umano sapat ang kinikita ng kanyang ate dahil naglalabandera ito at hindi sapat ang kanyang kita dahil hindi araw-araw ang kanyang paglalaba. Wala silang ibang pinagkukunan kundi ito lamang dahil ang asawa umano ng kanyang ate at isang drayber ngunit dahil sa pandemyƄ ay walang sila byahe.




"Naglalabada lang po ung Ate ko pra may pangkaen sila pero di po sapat dahil di po araw araw.. wala pong pinagkukunan dahil wala pong trabaho ang asawa nya ngaun dahil walang byahe."

Siya naman ay sakto lang para sa kanyang pamilya ang kinikita ng kanyang asawa. Para makatulong sa kanyang ina ay naisip na lamang niya na humingi ng tulong sa iba.




"Ako naman po sakto lang kinikita ng asawa ko sa pambiling gatas at pagkaen namin mag iina..Tanging eto lang po magagawa ko para makatulong..maraming salamat po sa makakapansin..
Sa mga may nais pong magbigay ng tulong...maliit man o malaki ay amin pong ipagpapasalamat...Godbless you all poh..maraming maraming salamat din po sa mga nagshare at magsheshare palng poh.."

No comments