Lola, Nagtitinda ng Barbeque Sticks at Kumikita Lamang ng P25 Kada Araw Upang Matustusan ang Apo at Anak Nito!



Isang concerned netizen ang nagbahagi ng video ng isang matandang babae na gumagawa at nagtitinda ng barbeque sticks para lamang masupoetahan ang pangangailang ng kanyang 'm3ntally-icapacitated' na anak at apo nito. Marami naman ang naatig sa kwento ni Nanay. Dahil sa kondisyon ng kanyang anak ay siya lamang ang kumikilos at naghahanap buhay.

Ayon sa nagbahagi ng video na si Marilou Mendoza Labanes, binunt!s umano ng hindi nakilalang lalaki ang kanyang anak kaya naman, bukod sa kanyang anak ay inaalagaan din niya ang kanyang apo.




Nag-aalaga, naghuhugas ng pinagkainan, nagsasaing at lahat ng gawain bahay ay si Nanay ang gumagawa. Sa kabila ng kanyang edad ay naghahanap buhay pa din ito. Tanging paggawa at pagtitinda ng barbeque sticks ang ikinabubuhay ni Nanay. Sa loob daw ng isang araw ay nakakagawa siya ng 500 pirasong barbeque sticks. Sa 100 piraso daw ay P5 ang kinikita niya kaya kada araw ay nakaka P25 siya.




Pinagkakasya ni Nanay ang kakarampot na kita para sa kanilang tatlo. Bumibili si Nanay ng bigas na mais at kung minsan naman ay may nagbibigay sa kanila ng 2 kilo bigas at ito ang ipinapakain niya sa kanyang apo at pinag-uulam ng asukal.

Nais ni Nanay na magkaroon ng maayos na matitirhan dahil hindi na daw niya alam ang gagawin dahil may edad na din siya at mas nanaisin na lamang niyang mawala sila para sa sem3nteryo na lamang daw sila manirahan.




Nakakadur0g na pus0 ang sitwasyon ni Nanay. Mula ng ibahagi ni Marilou ang video noong Pebrero 5, 2021 ay may ilan naman na nagpaabot ng tulong.


No comments