Isang Security Guard, Nagsoli ng Pitaka na may Lamang Pera, Cellphone at Mahahalagang Dokumento!



Ang pagiging tapat at magiting ay likas na sa mga Pinoy. Gaya na lamang ng isang Security Guard na nagsoli ng pitaka na may lamang malaking halaga at mahahalagang dokumento.

Kinilala siya na si SG Carlo Bolito ng Stanch Security Agency. Nakadestino si SG Bolito sa open Parking C ng SM City Lucena. Ayon sa ulat, habang ginagampanan ni Sg Bolito ang kanyang tungkulin na siguraduhin ang kaligtasan ng mga tao kung saan siya nakadestino ay may napulot siyang pitaka, mahahalagang dokumento gaya ng IDs at may cellphone.




Mayroon din pera sa loob ng pitaka na naglalaman ng P28,073. Agad naman na pinagbigay alam ni SG Bolito ang kanyang napulot na pitaka sa Community Relation Service o CRS Office.

Napag-alaman din umano ang may-ari na nakatira sa Brgy Mayao Parada, Lucena City at agad na nabalik ang pitaka na may lamang pera, cellphone at mahahalagang dokumento.




Marami na din umano ang mga insidenteng nangyari sa nasabing mall gaya ng pangyayaring ito. Nagpapakita na ang mga Security Guard sa nasabing mall ay isang tapat sa kanilang tungkulin hindi lamang upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga tao kundi sa lahat ng aspeto sa buhay gaya ng pagsoli ng hindi niya pagmamay-ari.

No comments