Lola na Kumakalam ang Sikmurå, Umorder ng Pagkain sa Isang Fast Food Kahit na P20 Lang ang Pera, Binusog ng mga Crew!



Isang concerned netizen ang nagbahagi ng kanyang nasaksihan sa loob ng isang kilalang fast food at talaga naantig ang kanyang puso sa mga crew na nagpakita ng maganda loob sa isang lola. Ang uploader na ito ay kinilalang si Marold Aquino Anido.

Ayon sa pagsasalaysay ni Marold, galing sa palengke umano ang isang Lola na naupo sa loob ng Jollibee sa Calamba Crossing Branch na tila pagod na pagod daw. 




Naupo ito at namahinga saglit at maya-maya ay lumapit ito sa counter upang umorder ng pagkain. May hawak umano si Lola ng P20, kaya naman agad siyang nilapitan at kinausap ng isang crew.

Nakaramdam na umano ng kaba si Marold na baka hindi bigyan si Lola ng pagkain ngunit laking tuwa na lamang nito nang makita niyang nagbigay ang crew ng pagkain. May dala umano ang crew na burger steak, rice, iced tea at tubig. Nang maibigay ang mga ito kay Lola ay agad naman niya itong kinain.




Hindi ko mapigilang hindi sila kuhanan ng litrato dahil sobrang natuwa ako sa pinakita nilang action. Humihingi po ako ng pasensya sa pagkuha ng pictures niyo mga ate at kuya without your permission pero gusto ko lang talaga kayo i-share dahil super bait niyo po," pahayag ni Marold.


Nang matapos naman kumain si Lola ay laking gulat ni Marold na inihatid pa ng crew si Lola hanggang sa makatawid ito. Mabilis na nag-viral ang naturang post dahil marami ang humanga sa ginawa ng mga crew kay Lola.

No comments