Lolong PWD, Masipag na Nag-iikot Gamit ang Kanyang Bisikleta Upang Mag-alok ng Masahe at Gupit!


Sa panahon ngayon ay kanya-kanya ang ilan sa atin kung paano makakaraos sa araw-araw. Kamakailan lamang ay sumailalim ang ilang lugar sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Nagbigay ang pamahalaan ng ayuda bilang tulong sa mga naapektuhan ng ECQ ngunit hindi pa din ito sapat sa ilan sa ating mga kababayan kaya kinakailangan nilang magpursige at kumayod sa buhay.




Isa na lamang dito ang PWD na Lolo, masipag siyang nag-iikot sa ilang lugar sa Iloilo gamit ang kanyang bisikleta upang mag-alok ng masahe at gupit. Hindi niya mapigilan na lumabas dahil kinakailangan niya pa rin kumayod sa kabila ng kanyang edad upang mayroon siyang pangtustos sa kanyang pamilya.




Bukod pa sa pag-aalok ng masahe at gupit ay nagbebenta sila ng bibe at mga halaman sa tulong naman ng kanyang asawa. Ibinahagi ng facebook page ng Kami ang naturang post na makikitaan ng inspirasyon sa buhay.




Marami sa ating mga kababayan ang salat sa buhay kaya naman kahit na mapangÄnib ay pinipipili nilang lumabas ng bahay at maghanapbuhay dahil hindi nila matitiis na magutom ang kanilang pamilya. Isang halimbawa si Lolo na kahit na may edad at PWD siya ay handa siyang suungin ang kalye mairaos lang ang pamilya niya sa pang araw-araw.



No comments